Welcome!

The end always has some effect on me for I know that for every ending, a new beginning awaits...

Wednesday, June 22, 2011

The Cycle of Love


Minsan, kapag may kasama ka, parang ang saya-saya. Kwentuhan. Tawanan. Biruan. Harutan. Parang walang katapusang ligaya. Pero tulad ng lahat ng bagay na nagsisimula, meron ding nagtatapos. Pero sabi nga nila, lahat ng katapusan ay panibagong simula at lahat ng simula ay katapusan ng dating simula.

Oo, alam kong magulo, pero totoo naman di ba? Nagmamahalan kayo, yun ang simula, pero nung naghiwalay kayo dahil may iba na siyang mahal, yun ang katapusan ng dating simula, pero siya at yung bago niyang mahal, yun ang simula ng katapusan niyo. It’s just a cycle. Cycle of Life. Iibig ka, magiging kayo, magmamahal siya ng iba, masasaktan ka, maghihiwalay kayo, makakahanap ka ng iba, iibig ka, at magsisimula na naman ang ikot ng mundo. Ganun lang naman yun. 


Pero ‘lam mo, naisip ko rin, kailan kaya darating yung time na mapuputol yung cycle na yun? Yung tipong, mahahanap mo yung taong iibigin mo, tas magiging kayo tas yun na… Hanggang dun na lang. Hindi na aabot sa stage na magmamahal pa siya ng iba… Pero mahirap yun… Kung baga sa hayop e, endangered na. Malapit nang maextinct. 

Kaya nga bilib ako sa mga couples na 50 years na. Paano kaya nila napanatili ng ganun katagal yung relationship nila no? Kasi naman tayo, hindi tayo makuntento sa isang bagay, sa kung anong meron tayo. We kept on looking for something else. Normal naman yun, kasi nga di ba, you are looking for that person who will put an end to the cycle. Ang masakit lang naman e, kahit nahanap mo na siya, you still keep on looking for more. Para ka kasing mauubusan. 


Maraming pala-palagay tungkol jan. Yung iba, ang katuwiran e “Life is Short” daw kaya ‘wag dapat sayangin. Pero naisip ko lang, life is short na nga e, tas puro ka laro, di ba parang lalong mawawalan ng saysay yung idea na “Make the Most of Your Life”? Kasi nga, how can you make the most of your life kung hindi mo nahanap yung taong ikaw lang ang mamahalin at siya lang ang mamahalin mo? I know a lot of you would refute this pero kasi naman para sa akin, you won’t truly live until you live your life for someone. Syempre, hindi ko naman sinabing wag kang mabuhay para lang sa ibang tao. Pero aminin natin, tulad ng simula ko kanina, masaya pag may kasama ka. Yung tipong taong handang makinig sa mga kwento mo, tumawa sa kacornyhan mo, at handang samahan ka pagdating ng oras na walang tao sa tabi mo. Yung taong magpupuno sa pagitan ng mga daliri mo, yung magsasabing ok lang sa mga panahong unti-unting bumabagsak yung mundo mo. At higit sa lahat, yung taong magsasabing kahit ano pang sabihin ng ibang tao e ikaw lang yung taong gusto niyang makasama even if hell breaks lose. 


Anyway, pakiramdam ko e nabobore ka na sa binabasa mo dahil mahaba na, but I’m gonna leave you something for you think about: “Kailan ka huling naging masaya?” Think about it…

No comments:

Post a Comment